“Fly with me”
<

Sabi nila ang mundo daw ay isang sagradong paraisong puno ng pangarap. Pangarap na akala mo mo’y iikot sa mundo ng bawat isa. May mga pangarap na di na natutupad ngunit marami parin namang pangarap na paulit ulit na natutupad kahit hindi naman hinihiling.

Naaalala ko noon nung bata pa ako, nagpapalipad kami ng lobo sa langit para naman marinig ng Diyos ang sakit sa aming puso bilang mga yagit sa gitna ng daan. Mga lobong di naman namin alam ay puputok bago pa man humantong sa kalye ng kalangitan. Nakakatuwang isipin na minsan sa buhay natin, naging bata tayo at umasa sa magandang biyayang ibibigay sa atin kapag tayo’y tumuntong sa ganap na edad. Iniisip ko tuloy ngaun, ano na kaya nangyari sa isang dosenag lobo na pinalipad ko papuntang langit? Ngaun, mas naniniwala ako na ang ang tao, minsan di basta lang dapat mangarap.. ang tao ang gagawa ng katuparan ng kanyang mga pangarap.

Ang puso ko ngaun parang gardenia bread, malaman, makapal, malambot bagkus matigas, napapagod, umiiyak at nasasaktan din. May mga pangarap na nandito lang sa puso ko, mga pangarap na di ko alam kung isusulat ko parin sa lobo.. pag nagkataon isang dosena at isang lobo na ang napalipad ko..

Sa araw-araw na gumigising ako, ang tanging pag-asa ko lang ay makita ka habambuhay. Makasama ka hanggang sa huling hininga ko. Masakit isipin na minsan maari mawala ka sa akin ngunit naisip ko naman na pwede naman ako ulit magpalipad ng lobo, paputikin sa langit at marinig ng mundo ang iyak ko.. Ngunit sa tuwing babangon naman ako at makikita ang araw, naisip ko naman na mas maganda siguro na itago ko nalang ang lobo, samahan ka at iparamdam sa iyo na kahit anong mangyari ang pangarap ko ay sa iyo.

Sa oras na paliparin ko ang ika-isa at isang dosenang lobo ko, isa lang ang ibig sabihin nun,, iniwan mo ko mahal ko… masakit pero patuloy titibok ang puso ko para sa iyo.. maubusan man ng lobo ang mundo.

—————————-————————

:)

November 17th, 2006 at 9:50 pm


9 Responses to “Isang dosena at isang lobo papuntang langit…”
  1. 1
      Larie says:

    how romantic..oo nga anu na kaya ung nangyare sa lobong pinalipad ko??hahahhaaha

  2. 2
      Clarence says:

    hay.. bittersweet… wala na kong masabi…

  3. 3
      Jendee says:

    hehehehe @ larie.. ewan ko din?! ask ko lang si mam pen hehehe

  4. 4
      Jendee says:

    @cla?: hehehehe ako din walang masabi sa sinabi mo hahaha

  5. 5
      Jhasfer Harris says:

    Nakakatuwa at nakakalungkot isipin na kayraming nangyayari sa ating paligid sa napaka ikling panahon. Ang dating batang nag iiwan ng kanyang mga hiling sa mga lobong kanyang pinalilipad sa langit, upang mabasa ng Diyos …umaasang isang araw ay matutupad lahat ng kanyang kahilingan, ngayon ay nabubuhay sa mundo ng realidad..masaya at malungkot…

    umiiyak..tumatawa..nagmamahal…nasasaktan…ngumingiti… nabubuhay … nakikibagay at sumasabay sa mga pagbabagong nagaganap sa kanyang mundong ginagalawan…

    Naaala ko, ganun din ako nung musmos pa ako. laging pinagiisipan ang mga bagay bagay…bakit ganito? bakit ganun? bakit isa lang ang tambutso ng sasakyan( dapat 2 para pantay..kasi pangit kung sa isang sulok lng),bakit nung kinder ako hindi pwedeng ballpen gamitin, dapat lapis, yung mongol o kaya yung matabang lapis na itim, jumbo yata brand nun o toro. bakit kailangan matulog sa tanghali. bakit para makatulog ka pipilitin ka ng mas nakatatanda sa yo na humiga at ipikit ang mata kahit sa utak mo eh gising na gising ka. :). nakakatawa kasi nakakatulog nga nmn ako, dahil sa pagod dulot ng pilit na pagpikit ng ata…hehehe).
    minsan ko ring ginawa ang sumulat sa lobo, at umasang makakarating sa Kanya ang aking mga daing at hiling… at ngayon alam ko na rin na hindi ako pwedeng umasa sa lobo…na maswerte na kung makarating sa ibang lugar ang lobo na pinakawalan ko kung hindi pumutok.

    Mabilis nga ang panahon at nagbabago nga ang lahat, at ngayon ok lng kung isa lang ang tambutso ng sasakyan, ok lang kahit anong gamitin kong panulat, at matutulog ako kung kailan ako makakatulog at hindi na ako nagpapalipad ng lobo…

    Tama!Tayo ang gumagawa ng katuparan ng mga hiling natin..ngunit may mga bagay na kahit anong gawin natin hindi nating magagawang baguhin. may mga bagay na dumadating at nawawala sa atin na wala tayong kontrol…may mga bagay na taon ang hinihintay, meron naman na sa isang saglit lang ay nangyayari na…

    Hindi talaga natin masasabi kung ano ang mangyayari. Mahirap minsan isipin at tanggapin kung ano ang dahilan, kasi minsan hindi talaga madali… ang mga pangyayari ay nangyayari sa kanyang kaorasan… at oras din lang ang makagbibigay ng liwanag kung bakit nangyari ang mga nangyari… ang makakapaghilom ng mga sugat na tinamo natin.

    Kaibigan ko, nasaktan ka at nasugatan. pero hindi pa ito tapos… panandaliang titigil ang sarili mong mundo, pero hindi titigil ang ikot ng mundong iyong ginagalawan … mahirap mang tangapin na merong mga umaalis… pero meron ding dumarating… ang mga lobo mong pinakawalan sa langit hindi lahat pumuputok… at aang hangin na nagpapalipad sa lobo sakali mang ito ay pumutok ay muling sumasama sa hangin ng ating mundo…hangin na patuloy nating inihihinga…hangin na lagi mong ring kasama…

    Hindi man makarating sa langit ang lobo…ang hangin na nasa loob nya OO. :D

  6. 6
      Jendee says:

    japos. wala ako ibang masabi. thank you. lahat ng sinabi mo totoo… salamat kasi andyan kayo for me :)
    un lang nalito ko ng konti kasi akala ko blog ko to haha joke.

    thank you talga… minsan siguro palipad tayo ng lobo.. kasi matagal na hindi ko nagagawa iyon. sau dalawa kasi sa inyo ni cla, hehehe isa pero magkatali.. ag sweeeeeeeeeet! heheeh

    thanks po ulit. ung luha ko andito na lahat sa dibdib ko… medyo mabigat padin pero matatapos din to.. ur ryt.

  7. 7
      Clarence says:

    pasensya na jendee… he got carried away..:D

  8. 8
      Jhoy says:

    Maski ako nalito ren dito sa blog kung iyo o kay japos =D.. be brave gurlfriend.. andito lang ako.. labsyu..

  9. 9
      Jendee says:

    Thank you joy. labshu!