“Fly with me”
<

Isang hapon naglalakad ako sa may simbahan. Puno ng laruan, bata at lobo pagkatapos ng misa. Lahat masaya, lahat nagmamahalan, lahat punong puno ng pag-asa. Naisip nanaman kita.

Tumingin ako sa langit, nakita ko ang mga ibon, sabay sabay lumilipad. Nakita ko ang ulap, sabay sabay umuusad. Nakita ko ang araw, sobrang liwanag at sa sobrang liwanag ay nasilaw na ako sa kagandahan ng buhay. Naisip nanaman kita.

Tumingin ako sa halamanan, nakita ako ang mga paru-paro, nagbibigay pag-asa sa mga bulaklak. Nakita ko ang mga bubuyog nagbibigay buhay sa tamis ng buhay. Nakita ko ang iba’t ibang uri ng halaman, nagbibigay sa kulay ng buhay nating dalawa. Naisip nanaman kita.

Tumingin ako sa phone ko, nakita ko ang messages mo, isang libo at isa na pala. Napangiti lang ako dahil bukas alam ko madadagdagan nanaman. Nag beep, nag ring, kala ko ikaw na, excited ata ako. Hindi pa pala. Pero, naisip parin kita.

Sabi nating dalwa ngayon aalagaan mo ko, sabi ko maghihintay ako. Sabi nating dalawa ako pinili mo, sabi ko aasa ako. Sabi nating dalawa bukas dadating ka na, pero hindi pa pala. Naisip nanaman kita.

Di ko na namalayan ang oras at bumili ako ng pulang lobo. Pula dahil iyon ang paborito mong kulay. Tumingin ako sa langit dahil inisip ko parin kung papaliparin ko nalang sia para makausap ka ulit, mahawakan ka at maiparamdam sayo ang pagmamahal na matagal mo nang hinihintay. Pumutok ang lobo. Naisip nanaman kita.

Sa panahong nagkausap tayo, walang sandaling naramdaman ko na ang buhay pala ay parang lobo, lilipad, mawawala, iba’t iba ang kulay, mawawalan ng hangin at babagsak rin. Di ko akalain na nang sabihin mong ako ang pinili mo ay hanggang doon nalang pala. Mas mabuting matira ang magagandang usapan, magagandang tawanan, ang pagmamahal mo, ang dampi ng labi mo mula sa hangin.. napatingin ako sa simbahan. Naisip nanaman kita.

Doon ko naisip na sobrang ikli ng buhay, subalit sa panahong nakasama kita naramdaman ko ang totoo mong pagmamahal at pananampalatayang walang kapantay. Doon ko naramdaman na marami pa akong magagawa para maging tulad mo din ako. Sana nalang madami rin ang katulad mo, malinis magmahal,…

pumasok ako ng simbahan, umiyak. Naisip nanaman kita.

Bukas, nasa langit ka na. Wag mo na hintayin ang lobo. dahil di na ko magpapalipad ng lobong di makakarating sa iyo. Naisip ko, siguro mas maganda na iwan ka sa puso ko, habambuhay kong dadalin ang masasayang panahon natin. Sa iyo ko natutunan na kahit anong swail ng mundo ay may natitirang katulad mo, malinis, matapang at magbabalik sa akin sa maykapal.

paalam na lobo ko, ang mga bagay na nasa puso ko ay hindi para sa lobong di makararating sa langit. Ang mga bagay sa puso ko ay para sa isang taong inihanda ng panginoon.. sa isang taong alam nating pareho na magbibigay ng tunay na kulay sa buhay ko, na alam nating pareho na magbibigay ng pagmamahal na tulad ng binigay mo sa akin.

Hanggang ngaun, naiisip parin kita.

"paalam munong ko, doon sa langit hintayin mo ako"

November 23rd, 2006 at 8:05 am


6 Responses to “Dahil sa pulang lobo, naiisip parin kita”
  1. 1
      Jhasfer Harris says:

    jend…take good care of yourself…dito lang kami…

  2. 2
      Jendee says:

    thanks japos. We both believe in God’s plans for us.. and lalo na for him.. He is even more happy now.. I know.. thank you thank you talga..

    pray for him po.
    :)
    thanks again.

  3. 3
      Clarence says:

    And i thought i would stop crying… you have beautiful words jendz.. I’m sure he’ll be waiting for you…
    We’ll always be here for you…

  4. 4
      khristie says:

    bespren…his home now and i know he’ll be waiting for u…i’m so proud of u kc u’re handling it very well…and i know u understand y God allow u and jez to meet and y it had 2 happen…now, u have an angel to watch over u…u did not loose him…he’s a part of u now and he will always be…lubshu!

  5. 5
      Jendee says:

    @cla I thought i would stop crying too… i know he will wait for me. i know… :)
    @tina: u’re right. i thought i was the one who had a mission in his life.. but it’s the other way around, his mission has finally ended, it ended by renwing my faith..

    “things happen for the best reasons”

  6. 6
      Jendee says:

    Naiisip ko parin sia.